Kung isa ka sa kanila, basahin mo ito:
Alkoholismo
Hindi lamang droga ang nakalalason sa matinong pag-iisip ng isang tao. Marami pang ibang mga bagay ang patuloy na hinahanap hanap ng katawan ng tao matapos matikman nang minsan. Isa sa pinakapayak na halimbawa ay ang alak. Ang pag-inom ng alak ay may maraming dahilan: pagdiriwang, pagkabigo, pagsasalu-salo,atbp. Ngunit tama bang abusuhin natin ang ating mga katawan at lunurin ito sa alak?
Mahigit 10% hanggang 23% sa mga umiinom ng alak ay itinuturing nang mga alcoholics o mga taong abusado sa pag-inom ng alak. Ang mga ganitong uri ng tao ay madalas nakararanas ng mga problema sa pisikal na kalusugan, pamilya, trabaho, at paminsan-minsan pa'y nasasangkot sa iba't ibang krimen at pang-aabuso. Maraming nagagawang hindi kanais-nais ang mga taong lasing. Ito ang sanhi ng iba't ibang problema. Halimbawa, ang mga manginginom ay madalas nasasangkot sa iba't ibang problema tulad ng pambababae, pagmamaltrato sa mga bata at sa kani-kanilang mga asawa at anak na nagiging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa at pamilya.
Walang tiyak na dahilan ng pagiging alcoholic ngunit itinuturing itong isang sakit sa pag-iisip kung saan ang isang tao ay nalululon sa labis na pag-inom ng alak. Ang mga paunang sintomas nito ay: pagiging balisa, di makatulog sa gabi, pagiging iritable at masungit, pagiging huli o di pagpasok sa paaralan o trabaho, atbp. Ang mga taong nakararanas nito ay hindi pa gaanong malala ang pagiging alcoholic. Ngunit kung di kaagad maaagapan, maaaring mauwi sa mas malalang sakit tulad ng pancreatitis, gastritis, cirrhosis, neuropathy, anemia, cerebellar atrophy, alcoholic cardiomyopathy (heart disease), Wernicke's encephalopathy (abnormal brain functioning), Korsakoff's dementia, central pontine myelinolysis (brain degeneration), seizures, confusion, malnutrition, hallucinations, peptic ulcers, and gastrointestinal bleeding.
Nalulunasan ang alkoholismo sa tulong ng rehabilitation at iba't ibang uri ng therapy. Ang mga home therapy na hindi nagagabayan ng mga eksperto ay maaaaring pang makasama sa pasyente dahil sa alcohol withdrawal syndrome matapos ang biglaan at sapilitang pagtigil sa paginom ng alak. Matapos ang therapy, dapat panatilihing alcohol-free ang uuwian ng pasyente upang magtuloy-tuloy ang paggaling. Ngunit tama ang kasabihang "Prevention is better than cure." mas mabuti pang umiwas kaysa maranasan ang ganoong hirap. Ang pag-inom ng alak ay karanasang dala lamang ng impluwensya ng ibang mga tao sa paligid mo. Mabuti nang umiwas kaysa magaya pa dito: